Friday, April 25, 2014



#HUGOT

 Ang aking sarili sa hinaharap ay tunay kong nasaksihan sa katauhan ng mga karakter ng pelikula, at sa sulatin kong ito’y ilalahad ko ang ilang #hugot sa mga pangyayaring sumalamin at tumama sa akin. . . 

Madilim na paligid, ingay ng katahimikan at  liwanag ng malaking telebisyon, ilan ang mga ito sa kumuha ng aking atensyon upang mabigyang pansin ang isang pambihirang obra.
  
Sa pagsisimula ng aming panonood hindi ko batid ang tunay na ganda ng kaganapan sa pelikula, kasing dilim ng silid na aming kinaroroonan ang ideyang sa akin ay nananahan; tila isang malaking “ANO” at “BAKIT” ang nais kong isigaw na maaring bumasag sa ingay ng katahimikan, ngunit ganoon pa man ay patuloy akong nasabik sa pagtuklas ng mga  katanungang alam kong mabibigyan ng malaking kaliwanagan.

Sa ilang oras kong pagsaksi sa pelikula, hindi lang simpleng ano at bakit ang nasagot,kundi ang mga bagay na may malalim na #hugot, hugot sa aking pagkatao na may koneksyon sa propesyong gusto ko. Hindi ako makapaniwala na buong buhay ang nakasalalay sa propesyong iyon, at sa kahit anong aspeto ay kailangang makipagsapalaran ako, sa madaling salita hindi iyon isang biro..Nakita ko ang tunay na buhay ng isang mamamahayag, mas naunawaan ko ang kasabihang  “kung mamamahayag ka, nasa hukay na ang kabila mong paa”, totoo nga naman…sa pagkat hindi lang  ito basta trabaho kundi isang pakikipagsapalaran na hindi lang para sa sarili kundi sa lahat ang maibibigay na benepisyo.

Sobrang daming hugot, lalo na sa insidenteng ipinakita kung gaano kahalaga ang propesyon na iyon para sa kanila, sa mga karakter ng pelikula ,ipinakita kung gaano sila ka derterminado at  kahit sariling buhay ay handang ipagpalit pa. Naging emosyonal din ako sapagkat naramdaman ko ang tinatawag na “totoong pagmamahal  … sa trabaho" na hindi lamang dahil sa pera kung kaya’t nagsisikap kundi dahil sa isang malaking kagustuhan na makapaglingkod sa lahat ng madla.Nakadadala ang mga eksena at naging emosyonal din ako at walang anu-ano’y bigla kong naramdaman na iyon pala ang tunay na pagkakaroon ng paninindigan sa trabahong nasimulan..

Sobrang isang malaking #hugot sa mga pangyayari sa pelikula ang hindi ko malilimutan; habambuhay ko itong magiging inspirasyon lalo na sa pagtahak ko sa nakakakilabot na  ganitong propesyon!









No comments:

Post a Comment