#HUGOT
Ang aking sarili sa hinaharap ay
tunay kong nasaksihan sa katauhan ng mga karakter ng pelikula, at sa sulatin
kong ito’y ilalahad ko ang ilang #hugot sa mga pangyayaring sumalamin at tumama
sa akin. . .
Madilim na paligid, ingay ng
katahimikan at liwanag ng malaking
telebisyon, ilan ang mga ito sa kumuha ng aking atensyon upang mabigyang pansin
ang isang pambihirang obra.
Sa pagsisimula ng aming
panonood hindi ko batid ang tunay na ganda ng kaganapan sa pelikula, kasing
dilim ng silid na aming kinaroroonan ang ideyang sa akin ay nananahan; tila
isang malaking “ANO” at “BAKIT” ang nais kong isigaw na maaring bumasag sa
ingay ng katahimikan, ngunit ganoon pa man ay patuloy akong nasabik sa
pagtuklas ng mga katanungang alam kong mabibigyan ng malaking
kaliwanagan.
Sa ilang oras kong pagsaksi sa
pelikula, hindi lang simpleng ano at bakit ang nasagot,kundi ang mga bagay na
may malalim na #hugot, hugot sa aking pagkatao na may koneksyon sa propesyong
gusto ko. Hindi ako makapaniwala na buong buhay ang nakasalalay sa propesyong
iyon, at sa kahit anong aspeto ay kailangang makipagsapalaran ako, sa madaling
salita hindi iyon isang biro..Nakita ko ang tunay na buhay ng isang
mamamahayag, mas naunawaan ko ang kasabihang
“kung mamamahayag ka, nasa hukay na ang kabila mong paa”, totoo nga
naman…sa pagkat hindi lang ito basta trabaho kundi isang
pakikipagsapalaran na hindi lang para sa sarili kundi sa lahat ang maibibigay
na benepisyo.
Sobrang daming hugot, lalo na sa
insidenteng ipinakita kung gaano kahalaga ang propesyon na iyon para sa kanila,
sa mga karakter ng pelikula ,ipinakita kung gaano sila ka derterminado at kahit sariling buhay ay handang ipagpalit pa.
Naging emosyonal din ako sapagkat naramdaman ko ang tinatawag na “totoong
pagmamahal sa trabaho". . . na hindi lamang dahil sa pera kung kaya’t
nagsisikap kundi dahil sa isang malaking kagustuhan na makapaglingkod sa lahat
ng madla.Nakadadala ang mga eksena at naging emosyonal din ako at walang
anu-ano’y bigla kong naramdaman na iyon pala ang tunay na pagkakaroon ng
paninindigan sa trabahong nasimulan..
Sobrang isang malaking #hugot sa mga
pangyayari sa pelikula ang hindi ko malilimutan; habambuhay ko itong magiging
inspirasyon lalo na sa pagtahak ko sa ganitong nakakakilabot na propesyon!